Thursday, July 26, 2007

buhay pinoy

mababaw lang ang paksang ito. porma ng mga pinoy sa amerika. bakit naglipana ang mga naka-levi's 501 sa bay area, bakit me last supper ang mga komedor ng mga tiyahin natin, at bakit wala nang ibang ulam sa mga parting pinoy kundi sotanghon, barbeque, dinuguan, lumpiang shanghai, at kung talagang espesyan ang okasyon, lechon.
pero di ko talaga maipapaliwanag lahat. basta ang alam ko, malalaman mo kung kelan sumalta ang noypi sa lupang pangako kung ano ang porma nya. kunyari naka-levi's 501, sports shirt na naka tuck-in at le tigre ang tatak, naka sperry topsiders at puting medyas, itaga mo sa mukha ng mga kaaway ko, 80s dumating yan. yan kasi ang uso sa pinas nung 80s. ayon sa mga eksperto, di na makakapag-palit ng porma ang mga kababayan nating yan pagdating dito lalo na't medyo lampas na sa inosenteng isip. malilito na kasi sila sa dami ng klase ng porma dito kaya dun na lang siya sa dati nyang japorms. for better or for worse. pati sayaw nyan ay di na rin magbabago. kahit anong tugtog, akala nya borderline ni madonna pa rin ang sinasayawan nya.
kung 50 pataas naman ang edad ng tiyuhin natin dito, malamang naka-pamada yang akala nya ay uso pa rin si pete matipid ni chiquito. umalis kasi sa pinas yan nung late 60s hanggang early 70s. malamang ay mahilig din sa wool na pantalon yan na otso diretsong unat na unat ang palitid ng plantsa. mocasin ang hilig nyang sapatos at medyas na me parang lambat-lambat. si misis naman ay iba ang hitsura pag nasa bahay lang at iba pag matindihan ang okasyon tulad ng kasalan. hahahahaha! ang ibig kong sabihin e talagang iba. naka-lobo at sing-tigas ng accent nya ang buhok ng tiyahin natin. si susan roces kasi ang uso nung lumipad siya papunta dito.
e bakit nga puro lumpyang shanghai, sotanghon, dinuguan at barbeque ang handa pag may party sa kapitbahay? sa pinas naman di ganyan ang mga handa. pag me party kang napuntahan sa anumang sulok ng amerika na pinoy ang nagpatawag at wala ang dalawa sa apat na yan, i-report nyo lang sa blog na to. di tama yan. actually, di ko rin alam ang dahilan. di pa siguro nasasaliksik ng mga eksperto. di ko rin alam kung bakit me last supper sa mga dining room ng mga pinoy, bakit me grotto sa kanto ng bakuran, o bakit me rosaryo sa mga kotse natin.
di ko rin alam kung bakit mahilig ang mga tiyuhin natin sa 80s model na mercedes benz o toyota camry at bakit di bumibili ng dodge, chevy, o ford taurus ang mga pinsan natin.
at di ko rin alam kung bakit pinipilit akong kastilain ng mga espanyol at di naman marunong mag-tagalog ang mga batang pinoy. yun lang, nakakalito kasi....

No comments: